Isang Patak.~Jc

Minsan akong nakaramdam ng sakit, sakit na hindi ko maipaliwag kung saan ko nararamdaman, dahil parang ang sakit ay hindi ko makita at mabigyan ng lunas na paraan.Minsan akong nakaramdam ng sakit, sobrang sakit. at sa isang iglap ay bigla nalamang itong humupa. at sa pag kalma ng tibok ng pusong nasa gitna, ay naramdaman ko ang lamig na tila umagos sa aking muka. Tila nawala ang tinik na nakabara. naramdaman ko ang pag patak nito sa aking puting damit. Bakas pa ang marka kung saan ito sumapit. at akoy nag taka sa hiwagang nakamit.
 Aking naisip na  ang isa ay sapat na. Ang isang pag patak ay sapat na upang mapawi ang sakit. Ang minsang agos  sa muka at bakas sa damit ay sapat na upang makawala sa pait, ang isang patak ay isang hatid lunas sa nakaraang hindi mapapawi’t mawawaglit. Hindi mapapawi ngunit malalampasan, At sa pag lampas ay atin nang alam ang aral. Ang aral na walang makakaagaw kailan man. Ang aral na maari ding gamot sa kahaharaping sakit. ang aral na hindi mo kalilimutan dahil parte na ito ng yong buhay sa pag sapit. Ang aral na iyong binuo, ang aral na yong binubuo, ang aral na minsan pa’y bubuo sa’yo.
Ang isang patak ay sapat na. Sapat na ang isa para mabigyang lunas ang pag durusa. Sapat na ang isa para sa panibagong kahaharaping pag asa. Ang isang patak ay sapat na. Ang isang patak ay sapat na.
 Hibdi ba’t magmumuka lamang tayong pagal sa hindi matapos na pag iyak? Hindi ba’t mas mainam na panlanggas ng sakit ang isa lamang patak?.

Handa na ako

Hindi ba kayo nagtataka? kung bakit halos lahat ng bagay ay magaling  lang sa umpisa, ipinupukol ang salitang pansamantala. sa kung paanong ang bawat saya ay bigla na lamang mabubura, nang dahil sa isa o maaring.. maaring nag-sawa na. Hindi ba kayo nag tataka? kung bakit sinabing ang pag ibig ay pag saya, kung kalakip nito ang pagdurusa sa bandang pahuli na, kung kalakip nito ay ang bawat luha sayong mga mata, sa oran na mabiyak ang kung ano mang namamagitan sa inyong dalawa.

Minsan, Minsan, tinatanung ko yung sarili ko kung.. kung kaya ko ba. Alam mo yun, yung kahit ikaw lang mag isa, kahit walang iba.. kahit, kahit walang sya.Minsan, iniisip ko na lang kung paano na lang ako, paano na ang isang kalapati na naiwan ng kanyang kabiyak? Paano na ang isang tsinelas na nabigtal at nanatiling wasak? Paano na ang kamay na naiwang mag-isa, at ngayo’y wala nang hawak? Paano na ang paro-parong lumilipad-lipad, na natangay ng hangin at nasiraan ng pak-pak. Paano, paano na ang pag hinga ng walang ilong at bibig.  Paano magagamot ang inuukit na sakit ng pag-ibig. Paano mag hihilom ang sugat na laging nalalapatan ng tubig. Paano maibabalik pa.. ang halakhak at saya, ang kulitan nating dalawa, ang pag kukwentuhan sa chat at text na abot hanggang umaga, na sa mga okasyon ay nag bibigay ng halaga…   Paano na ang ligaya na nadama natin sa isa’t-isa, dahil mahal mo ako at mahal kita diba? Paano na ang napaghirapan nating dalawa,  kung ngayon ay  nag dududa ka, kung ako pa ba?

Pero dumating din yung oras na parang bigla akong tumalino, hindi sa larangan ng siyensya o matimatika.. kundi sa pagpatakbo ng puso. At naisip kong natatakot lang ako para sa sarili ko.. naduduwag lang ako dahil sarili ko lang yung iniisip ko. Hindi ko man lang naisip yung sayo. Kaya sana..  sana mapatawad mo ako. Sana patawarin mo yung makasaraling pusong ‘to. Patawarin mo ako, para sa hindi ko pag bitiw para sayo… Patawad, dahil mukang nag kulang ako… kaya gusto mo nang lumayo. Patawad, kung patuloy ko paring pinipilit na ikaw at ako, ako ay sayo. Patawad.. kung ayaw kong sumuko at palaging sinasabi na kaya nayin to. At ako?.. nag kamali ako.

Alam kong malungkot ka, at gusto mo nang itigil to. Alam kong hindi kana masaya, pero di ko alam kung bakit o pano? siguro.. sawa kan, siguro hindi mo na kaya. Siguro wala na ang pag tibok at kinang sayong mga mata. Pero di na yon mahalaga diba? dahil nasabi mona ang problema. at gusto mo ay mabura, yung salitang ikaw syaka ako, yung tayong dalwa diba? at kapag nag mamahal ka, ginagawa mo ang lahat para sa kanya? At mahal kita

At ngayon.. ngayon masasabi kong ako ay.. ako ay handa na. Handa na akong pakawalan ka. Handa nakong tanggalin ang kandadong pumipigil sayong pag saya, at nang ikaw ay tuluyan nang makawala, sa yakap kong mahigpit na may mainit na pag sinta.. At para makatagpo ka ng iba, na sana..  sana..  sa akin ay higit pa.. yung sana mas mapapasaya ka, at mamahalin ng walang pag dududa o kahit anong pag tataka.. sana..  mahanap mo na ang taong gusto mong makasama, at mabigyan ng pamilya. Ngayon, ako ay handa na, handa nakong pakawalan ka, handa nakong bumitiw sa kamay na nakakapit na lamang ng bahagya.. handa nakong masangkatan para sayong bagong panimula…handa nakong mabiyak, dahil sabi mo’y hindi kana masaya… Handa nakong itigil ang kung ano mang namamagitan sa ating dalawa. Handa nakong maiwang mag isa, Dahil mahal kita. handa nakong umiyak.. para sayo mahal kong sinta.